Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa Tsina, ipinahayag kahapon ni Li Hui, Embahador ng Tsina sa Rusya, na ito ay magbibigay ng malakas na sigla sa pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong yugto.
Sinabi ni Li, na hinog at matatag ang kasalukuyang relasyong Sino-Ruso, at ito ay nasa pinakamagandang panahon ng kasaysayan. Dagdag niya, nitong 3 taong nakalipas, nagsagawa ng mahigit 10 pagtatagpo ang mga pangulo ng dalawang bansa, at nagpatingkad ito ng mahalagang papel sa pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.
Ipinahayag din ni Li, na sa susunod na yugto, sasamantalahin ng Tsina at Rusya ang pagkakataong dulot ng pagpapasulong ng kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, para baguhin at palakasin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto, at pataasin ang kalidad ng bilateral na kalakalan.
Salin: Liu Kai