Tianjin, Tsina—Binuksan dito Lunes, ika-27 ng Hunyo, 2016, ang Taunang Pulong ng New Champions 2016, o Summer Davos Forum. Sa kanyang espesyal na talumpati sa seremonya ng pagbubukas, binigyang-diin ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa kasalukuyan, nasa masusing yugto ng pagbabago at pag-a-upgrade ng pamamaraan ng paglago ang kabuhayang Tsino. Aniya, hindi nagbabago ang pundasyon ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at mananatiling tuluy-tuloy at matatag ang macro policy nito. Aniya, isasakatuparan ng kabuhayang Tsino ang pangunahing inaasahang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang taon.
Ipinahayag ni Li na ang tema ng kasalukuyang porum na "Ika-4 na Repormang Industriyal—Puwersa ng Pagbabago," ay nagkaloob ng bagong anggulo para sa paghahanap ng pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad. Aniya, upang mapasulong ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, dapat pabilisin ang pagbabago at pag-a-upgrade ng pamamaraan ng pag-unlad, at pabutihin ang mabisa't maayos na pagsasaayos sa buong mundo.
Salin: Vera