Hunyo 26, 2016-Sa kanyang pakikipag-usap sa Tianjin, Tsina kay Klaus Schwab, Chairman ng World Economic Forum, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nitong 10 taong nakalipas, ang Summer Davos World Economic Forum ay gumaganap ng positibong papel sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng daigdig. Aniya, ang tema ng nasabing porum sa taong ito ay: "Ika-4 na Industrial Revolution-The Power of Transformation." Ang bagong rebolusyong pansiyensiya at panteknolohiya aniya'y makakatulong sa transpormasyon ng estrukturang pangkabuhayan ng ibat-ibang bansa sa daigdig.
Tinukoy ni Premyer Li na sa harap ng pinahigpit na globalisasyong pangkabuhayan, lumalakas ang ugnayan ng ibat-ibang bansa sa daigdig. Aniya, ang di-matatag na elemento mula sa alinmang bansa ay posibleng maka-apekto sa muling pagsigla ng kabuhayan at katatagan ng pamilihang pinansyal ng buong mundo. Ani Li, umaasa siyang magsisikap ang komunidad ng daigdig para magkasamang harapin ang ibat-ibang hamon, pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng daigdig, pasulungin ang reporma at inobasyon, at isagawa ang bukas at inklusibong patakaran. Ito aniya'y para isakatuparan ang pangmatagalan at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Schwab, na nananatiling mainam ang pakikipagtulungan ng World Economic Forum sa Tsina, at bibigyan nito ng tulong ang Tsina sa pagpapasulong ng reporma at inobasyon. Nananalig aniya siyang magbibigay ng bagong puwersa ang transformation ng manufacturing industry ng Tsina sa pag-unlad ng bansa sa hinaharap.