Mula ika-26 hanggang ika-28 ng darating na Hunyo, idaraos sa Tianjin, lunsod sa hilagang Tsina, ang Ika-10 Annual Meeting of the New Champions ng World Economic Forum, o mas kilala sa tawag na Summer Davos Forum.
Ayon sa ulat ngayong araw, Miyerkules, ika-13 ng Abril 2016, ng lupong tagapag-organisa ng Summer Davos Forum, ang tema ng kasalukuyang pulong ay "The Fourth Industrial Revolution and Its Transformational Impact." Tinatayang lalahok dito ang 1500 kinatawan mula sa mahigit sa 90 bansa at rehiyon ng daigdig.
Salin: Liu Kai