Ipininid ngayong araw sa Dalian, Tsina, ang 2015 Summer Davos. Sa tatlong-araw na pulong, tinalakay ng mahigit 1700 personahe at eksperto mula sa sirkulo ng komersyo at industriya ng iba't ibang bansa, ang hinggil sa mga bagong lakas na tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang Tsino, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig.
Iniharap ng mga kalahok na, sa kasalukuyan, kailangang isagawa ng Tsina ang pandaigdig na kooperasyon sa production capasity, dahil makakabuti ito kapwa sa pagpapalaki ng pangangailangan mula sa labas ng bansa, at pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Tinukoy din nilang ang inobasyon, teknolohiya, at konsumo ay magiging mga pangunahing elemento ng pagpapaunlad ng kabuhayang Tsino. Samantala anila, dapat maayos na harapin ng Tsina ang mga panganib sa kabuhayan na lumilitaw nitong nakalipas na panahon, at tumahak sa landas ng sustenableng pag-unlad.
Salin: Liu Kai