Muling ipinahayag ngayong araw, Martes, ika-28 ng Hunyo 2016, ni Hun Sen, Tagapangulo ng Cambodia People's Party, naghaharing partido ng Kambodya, at Punong Ministro ng bansang ito, ang hindi pagkatig sa resulta ng South China Sea arbitration. Nanawagan din siya sa mga may kinalamang bansa, na mapayapang lutasin ang hidwaan.
Sinabi ni Hun Sen, na tinututulan ng kanyang partido ang pagpapalabas ng ASEAN ng pahayag hinggil sa pagkatig sa resultang gagawin ng arbitral tribunal sa naturang arbitrasyon. Aniya, pinipilit ngayon ng iilang bansa sa labas ng rehiyong ito ang mga bansang ASEAN sa pagpapalabas ng naturang pahayag. Tinatawag ni Hun Sen ang aksyong ito na pakana, na magdudulot ng negatibong epekto sa kapayapaan ng ASEAN at rehiyong ito.
Binigyang-diin ni Hun Sen, na ang isyu ng South China Sea ay isyu sa pagitan ng mga may kinalamang bansa sa soberanya, at hindi itong isyu sa pagitan ng ASEAN at Tsina. Tinukoy niyang, ang pagkakaroon ng mga bansang ASEAN ng pagkakaiba sa isyung ito ay hindi nangangahulugan ng pagkakawatak-watak ng ASEAN. Aniya, ang isyu ng South China Sea ay hindi pangunahing isyu ng ASEAN.
Salin: Liu Kai