Ipinahayag nitong Martes, Hunyo 28, 2016, sa Brussels ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), na dahil sa kapasiyahan ng reperendum ng United Kingdom na tumiwalag sa Unyong Europeo (EU), magiging mas mahalaga ang kooperasyon ng NATO at EU.
Bagong siya dumalo sa EU summit, sinabi ni Stoltenberg na ang isang malakas na EU ay napakahalaga sa NATO. Tinukoy niyang dapat pahigpitin ng dalawang panig ang mga kooperasyon sa seguridad na pandagat, at pagharap sa mga hamon sa cyberspace.
Bukod dito, binigyang-diin niyang hindi babaguhin ang katayuan ng UK sa NATO.