Sinabi nitong Martes, Hunyo 28, 2016, sa Nay Pyi Taw ni Presidential Spokesman Zaw Htay, na sinang-ayunan ng pamahalaan ng Myanmar at walong armadong grupo na lumagda sa pambansang kasunduan ng tigil-putukan, na idaos sa katapusan ng darating na Agosto ang 21st Century Panlong Ethnic Conference para isakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan.
Nang araw ring iyon, idinaos ang pulong sa pagitan ng State Counselor Aung San Suu Kyi at mga kinatawan ng naturang walong armadong grupo. Sinabi ni Zaw Htay na umaasa ang pamahalaan na lalahok din sa pulong na ito ang ibang mga armadong grupo na hindi pa lumagda sa kasunduan ng tigil-putukan.
Sa pulong na ito, sinabi ni Aung San Suu Kyi na dapat isakatuparan ang tunay na kapayapaan sa Myanmar sa pundasyon ng pagkakaisa ng iba't ibang panig, at sa gayong paraang lamang, ang Myanmar ay magiging isang masagana at matatag na bansa.