Sa malaking pagtitipun-tipon, ngayong araw, Biyernes, Hulyo Uno 2016, sa Beijing, bilang pagdiriwang sa ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nanawagan sa mga miyembro ng partido si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na manatiling tapat sa simulain.
Sinabi ni Xi, na kung gustong umabante ng isang tao, hindi niya dapat kalimutan ang landas na tinahakan. Nanawagan siya sa lahat ng mga miyembro ng CPC, na habang nagsisikap para magbukas ng mas magandang kinabukasan, natatandaan ang ginawang mga pagsisikap noong simula pa, at dahilan kung bakit nagsimula ng usapin ng partido.
Sinabi rin ni Xi, na dapat ipagpatuloy ang diwa ng mga tagapagtatag ng CPC, at kanilang pangako sa mga mamamayan.
Salin: Liu Kai