Hanggang ika-30 ng Hunyo, 2016, halos 130 dayuhang partido at organisasyong pulitikal mula sa Asya, Europa, Aprika, Latin-Amerika at Oceania ang nagpahayag ng kani-kanilang pagkatig sa Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS). Ipinalalagay nilang ang pahayag ng Tsina sa South China Sea arbitration, ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea, ay paggamit ng lehitimong karapatan. Nanawagan sila sa mga may kinalamang panig na resolbahin ang alitan, sa pamamagitan ng direktang talastasan at pagsasanggunian, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera