Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malaking pag-unlad sa relasyong Sino-Pilipino, inaasahan

(GMT+08:00) 2016-07-04 16:09:42       CRI

Beijing, Tsina –Sa pagtitipong ginanap, Hulyo 1, 2016 sa Embahada ng Pilipinas sa lunsod na ito, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-118 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas at Ika-41 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Pilipinas at Tsina, sinabi ni Minister at Consul General Elizabeth T. Te, na pinahahalagahan ng Pilipinas ang relasyon nito sa Tsina.

Si Elizabeth T. Te, Minister at Consul General ng Pilipinas sa Tsina 

Aniya pa, kahit bago pa man maitatag ang pormal na relasyon ng dalawang bansa, ang Pilipinas at Tsina ay matagal na aniyang magkaibigan, at mag-partner sa loob ng daan-daang taon; at nitong nakalipas na 41 taon, nagkaroon ng napalaking pag-unlad sa relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi pa ni Te, na ang Embahada ng Pilipinas sa Beijing ay umaasang makakamtan pa ang napakalaking pag-unlad sa relasyon ng Pilipinas at Tsina, at mapapalakas pa ang pagkakaibigan sa pamamagitan ng kooperasyon sa ibat-ibang larangan.

Ang naturang pagtitipon ay dinaluhan ng ibat-ibang personahe mula sa Lipunang Tsino at diplomatic corps, at isa sa mga ito si Bai Tian, Deputy Director-General ng Department of Asian Affairs ng Ministry of Foreign Affairs (MFA) ng Tsina.

Si Bai Tian, Deputy Director-General ng Department of Asian Affairs ng Ministry of Foreign Affairs (MFA) ng Tsina.

Sa kanyang talumpati, sinabi niyang ang Pilipinas sa Tsina ay may libong taong kasaysayan ng pagkakaibigan. At simula nang maitayo ang pormal na relasyon ng Tsina at Pilipinas, nagkaroon ng mainam na pag-uugnayan ang dalawang bansa.

Pero, nitong 6 na taong nakalipas nagkaroon ng mga hadlang sa relasyong Sino-Pilipino dahil sa mga polisiya ng nakaraang administrasyon ng Pilipinas.

"Pero, ngayon, nakikita na natin ang bagong bukang-liwayway," ani Bai.

Nagagalak aniya ang Tsina sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pabutihin ang relasyon at kooperasyon ng Pilipinas sa Tsina.

Nakahanda aniya ang Tsina, na makipagtulungan sa administrasyon ni Presidente Duterte upang muling pag-ibayuhin ang pagkakaibigan, pagtutulungan at mabuting pakikipamuhayan ng Tsina at Pilipinas.

Dagdag ni Bai, dalawang beses nang nagpadala ng mensaheng pambati si Presidente Xi Jinping ng Tsina kay Presidente Duterte: isa noong Mayo 30, 2016, at ang isa pa ay noong Hunyo 30, 2016.

Sinabi ni Bai, na sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Presidente Xi, na ang Tsina at Pilipinas ay matalik na magkapit-bansa na hindi maihihiwalay sa isat-isa; kaya't ang mapagkaibigan, malusog, at matatag na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa ay makakabuti sa pundamental na interes ng mga mamamayan ng dalawang panig.

Ayon pa sa liham ni Xi kay Duterte, ang mapagkaibigang paraan ay ang siyang tanging tamang pagpili para magkaroon ng pagkakaunawaan, pag-unlad, at mabigyan ng mabuting kinabukasan ang mga mamamayang Tsino at Pilipino.

Dagdag ni Bai, sinabi rin Presidente Duterte ang paniniwalang ito, sa panahon ng kanyang kampanya at pagkaraan niyang manalo bilang Pangulo ng Pilipinas.

Umaasa aniya ang Tsina, na magkakaroon pa ng mas maraming magandang balita mula sa Malakanyang sa mga susunod na araw.

Muli ring ipinahayag ni Bai ang kahandaan ng Panig Tsino na makipagtulungan sa Panig Pilipino upang mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa upang makapagbigay ng nararapat na kaunlaran sa kapwa mamamayan ng dalawang panig.

/end//rhiozablan/jadexian/ernestwang/vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>