|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon ng hapon, Hulyo 8, 2016, kay Ban Ki-moon, dumadalaw na Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Tsina para mapangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang UN ay nukleo, at ipagtanggol ang layunin at prinsipyo ng "UN Charter." Aktibo rin aniyang pinasusulong ng Tsina ang mapayapang paglutas sa hidwaan sa pamamagitan ng diyalogo at talastasan, at malalimang nakikilahok sa mga pandaigdigang kooperasyong gaya ng pagharap sa pagbabago ng klima upang makapagbigay ng ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Lubos na pinapurihan ng Premyer Tsino ang ibinibigay na ambag ni Ban Ki-moon para mapasulong ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at UN. Binigyang-diin din niya na buong tatag na kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng UN, pangangalagaan ang kapangyarihan ng UN, at pasusulungin ang mga usapin ng UN.
Ipinahayag naman ni Ban ang pakikiramay sa kalamidad ng pagbaha sa katimugan ng Tsina. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ng pamahalaang Tsino, tiyak na pagtatagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang naturang kalamidad. Aniya pa, hinahangaan ng UN ang ibinibigay na ambag ng Tsina sa usapin ng pagpigil at pagbabawas ng kalamidad, at usapin ng sustenableng pag-unlad ng buong mundo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |