|
||||||||
|
||
Ipinahayag Huwebes, June 2, 2016, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagkatig ng kanyang bansa sa proposal ng United Nations (UN) hinggil sa pagpapalakas ng kakayahan ng ng UN peacekeeping mission.
Nauna rito, sinabi noong Miyerkules, June 1, ni Francois Delattre, rotating President ng UN Security Council (UNSC) at Permanenteng Kinatawan ng Pransya sa UN, na magpupulong ang mga miyembro ng UNSC sa buwang ito para talakayin kung paano pagandahin ang kagamitan at pasulungin ang kakayahan ng UN Multi-dimensional Integrated Stabilization Mission in Mali (MINUSMA).
Ginawa ni Dellattre ang nasabing proposal makaraang maganap ang dalawang teroristikong atake na nakatuon sa MINUSMA Camp at UN Mine-defusing project sa Gao, Mali. Apat na tauhang pamayapa ng UN na kinabibilangan ng isang kawal Tsino, dalawang guwardiyang Mali at isang dalubhasang Pranses ang namatay sa nasabing mga insidente.
Ang Al-Qaida in the Islamic Maghreb (AQIM) ang umaming may kagagawan sa nasabing dalawang teroristikong atake.
Sa regular na preskon, muling ipinahayag ni Hua ang pagkondena sa nasabing mga madugong pagsalakay. Hinihiling din aniya ng pamahalaang Tsino sa UN at pamahalaan ng Mali na palakasin ang pangangalaga sa MINUSMA para maiwasan ang muling pagkaganap ng katulad na sakuna.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |