|
||||||||
|
||
Kabilang sa nilalaman ng nasabing white paper ay limang bahagi na gaya ng pagmamay-ari ng Tsina ng mga isla at reef ng South China Sea (SCS), timeline ng mga hidwaan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa SCS, mga narating na nagkakaisang posisyon ng dalawang bansa hinggil sa paglutas ng mga hidwaan, paulit-ulit na paggamit ng Pilipinas ng mga aksyon para mapasalimuot ang mga hidwaan, at mga patakarang Tsino hinggil sa paghawak sa isyu ng SCS.
Anang white paper, ang soberanya at mga karapatan ng Tsina sa mga isla at reef sa SCS ay kinikilala ng komunidad ng daigdig at mayroong lubos na basehang historikal at batayang legal.
Tinukoy ng white paper na ang nukleo ng mga hidwaan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa SCS ay isyu ng teritoryo. Bukod dito, narating ng dalawang bansa ang nagkakaisang posisyon hinggil sa paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Binigyang-diin ng white paper na palagiang sinusunod ng Tsina ang prinsipyo ng "UN Charter," matatag na iginagalang at pinapangalagaan ang mga pandaigdigang batas.
Anang white paper na iginigiit ng Tsina ang paglutas ng mga hidwaan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, matatag na pinapangalagaan ang kalayaan ng paglipad at paglalayag ng mga bansa sa SCS batay sa mga pandaigdigang batas.
Nanawagan din ang white paper sa mga bansa sa labas ng rehiyon ng SCS na patingkarin ang konstruktibong papel sa pangangalaga sa katatagan ng rehiyong ito.
Para sa buong teksto:http://news.xinhuanet.com/english/china/2016-07/13/c_135509153.htm
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |