Ipinatalastas lunes, Hulyo 11, 2016 ng palasyong pampanguluhan ng Myanmar na pormal nang itinayo ang Sentro ng Pambansang Rekonsilyasyon at Kapayapaan, at si Aung San Suu Kyi, Pambansang Tagapayo at Ministrong Panlabas ng Myanmar ang magiging tagapangulo ng sentro.
Samantala, May 11 miyembro ang sentro, at ang kanilang tungkulin ay hanapin ang mga prinsipyo para sa maalwang kooperasyon ng pamahalaan, parliamento, hukbo, mga organisasyon ng pambansang minorya at iba pang mga lakas, at nang sa gayo'y, maisakatuparan ang pambansang rekonsilyaayon at kapayapaan.
Sapul nang manungkulan ang bagong pamahalaan ng Myanmar, isinasabalikat ni Aung San Suu Kyi ang mga suliraning pangkapayapaan sa loob ng bansa. Ipinatalastas ng pamahalaan ng Myanmar na idaraos ang 21st Century Panglong Conference para maisakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon sa katapusan ng Agosto, 2016.
salin:wle