Ipinahayag Hunyo 29, 2016 ng Ministring Panlabas ng Myanmar na nakatakdang mapanumbalik ng Myanmar at Thailand ang gawaing pagsarbay at pagtatakda ng linyang panghanggahan.
Ipinahayag din ng Myanmar na nakatakdang idaos ng dalawang panig sa Myanmar ang pulong ng Magkasanib na Lupong Panghanggahan ng dalawang bansa hinggil sa usaping ito.
Noong Dekada 90, binuo ng Myanmar at Thailand ang nasabing lupon. Pero, hindi nito natamo ang progreso sa pagtitiyak sa linyang panghanggahan.
Noong Hunyo 25, 2016, dumalaw sa Thailand si Ministrong Panlabas Aung San Su Kyi ng Myanmar. Ipinahayag ng dalawang panig ang mithiin sa pagpapahigpit ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan.