Kaugnay ng arbitrasyon ng isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag ng mga dalubhasang Amerikano na dapat isagawa ng Tsina at Pilipinas ang diyalogo at magtimpi ang pamahalaang Amerikano para maiwasan ang pag-igting ng tensyon sa rehiyong ito.
Ipinahayag ni Alan D. Romberg, Director ng East Asia Program ng Stimson Centre, umaasa siyang maisasagawa ng Tsina at Pilipinas ang diyalogo at talastasan para hawakan ang mga hidwaan sa mas mainam at kooperatibong paraan. Kaugnay ng mga umiiral na mahirap at sensetibong isyu, sinabi pa niyang dapat isaisang-tabi muna ng dalawang bansa ang naturang mga isyu.
Sa hearing ng Council on Foreign Relations ng Senate ng Amerika, ipinahayag ni Kurt Campbell, dating Asistenteng Kalihim ng Estado ng Amerika, na dapat suportahan ng Amerika ang pagsasagawa ng Tsina at Pilipinas ng diyalogo sa hinaharap.
Sinabi naman ni Prof. Peter A. Dutton, Director ng China Maritime Studies Institute ng US Naval War College, na labis na pinapansin ng Amerika ang isyu ng paghiling sa Tsina sa pagsunod ng pandaigdigang batas. Sinabi pa niyang dahil ang Amerika ay hindi signataryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), walang kualipikasyon sa pagpuna sa Tsina sa isyung ito.