Sa pakikipag-usap noong Hulyo 19, 2016, sa Beijing sa dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Laos na si Chansamone Chanyalath, ipinahayag ni Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina na bilang dalawang bansang nagkakatulad ang sistemang panlipunan at ideyang pangkaunlaran, may matatag na batayang pangkooperasyon ang Tsina at Laos. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang Tsina at Laos para ibayong palalimin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Pinasalamatan din ni Li ang suportang ibinibigay ng Laos sa Tsina, sa isyu ng South China Sea.
Ipinahayag naman ni Chansamone Chanyalath ang pagpapahalaga sa pakikipagtulungan sa Tsina. Positibo aniya ang Laos sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea. Umaasa aniya siyang malulutas ng mga direktang may-kinalamang panig ang naturang isyu, sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.