|
||||||||
|
||
Sa Geneva — Sinimulang isagawa Miyerkules, Hulyo 20, 2016, ng World Trade Organization (WTO) ang pagsusuri sa patakarang pangkalakalan ng Tsina. Sapul nang sumapi ang Tsina sa WTO noong 2001, ito ang ika-6 na beses ng pagtanggap ng Tsina ng nasabing pagsusuri. Sa pulong, isinalaysay ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, ang hinggil sa kalagayan ng kabuhayan, kalakalan, at pamumuhunan ng Tsina, mga pangunahing hakbangin ng reporma at pagbubukas sa labas, at aktibong pakikilahok sa multilateral na sistemang pangkalakalan, sapul nang dating pagsusuri. Dumalo sa pulong ang mahigit isang daan (100) embahador at kinatawan ng mga kasapi ng WTO sa Geneva.
Pulong ng WTO sa pagsusuri ng patakarang pangkalakalan ng Tsina.
Ayon sa kinauukulang regulasyon ng WTO, dapat tanggapin ng lahat ng kasapi nito ang regular na pagsusuri. Ang kadalasan ng pagsusuri ay depende sa saklaw ng kalakalang pandaigdig ng iba't-ibang kasapi. Tinatanggap ng Tsina ang pagsusuri kada dalawang taon.
Si Wang Shouwen (gitna), Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina.
Kaugnay ng kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina sapul noong Hulyo, 2014, sinabi ni Wang na kasabay ng pagpapanatili ng Tsina ng matatag na pag-unlad ng kabuhayan, nakapagbigay ito ng mahalagang ambag para sa pag-ahon at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Noong isang taon, lumampas sa 25% ang contribution rate ng kabuhayang Tsino para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, aniya.
Tinukoy din niya na nitong 15 taong nakalipas sapul nang sumapi ang Tsina sa WTO, ang Tsina ay palagiang aktibong tagapaglahok, matatag na tagasuporta, at mahalagang tagapag-abuloy, sa multilateral na sistemang pangkalakalan. Nagsisikap aniya ang Tsina para matamo ng Doha Round ng progreso, kinakatigan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at buong tatag na tinututulan ang protectionism. Mataimtim na tinutupad ng Tsina ang obligasyon bilang kasapi, at buong higpit na isinasagawa ang mga hatol ng WTO.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |