|
||||||||
|
||
Ayon sa Channel NewsAsia ng Singapore, ibinigay Martes, Hulyo 19, 2016, ni Blaine Gibson, abogadong Amerikano, ang ilang gamit at debris na posibleng nagmula sa nawawalang Flight MH370, sa opisyal ng Malaysia.
Gamit ng sariling pera, mahigit isang taong pinaghahanap ni Gibson ang nasabing eroplano. Noong Marso ng kasalukuyang taon, natuklasan niya ang bahaging debris ng eroplano sa Mozambique. Nitong isang buwan, natuklasan din niya ang ilang personal na pag-aari ng pinaghihinalaang pasahero ng MH370 sa baybaying-dagat sa Madagascar.
Ipinahayag niya na ilalabas ng awtoridad ng Malaysia ang pahayag para isapubliko ang kinauukulang detalye.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |