Changsha, kabisera ng Hunan Province, Gitnang Tsina--Sa promotional activity na ginanap Martes ng gabi, Hulyo 19, 2016, ipinatalastas ng Thai Smile Airways na mula sa kasalukuyang isang flight, maradagdagan ng isa pang flight ang rutang Bangkok-Changsha kada araw.
Ang Thai Smile ay sangay ng Thai Air, flag bearer ng Thailand. Bukod sa dalawang beses kada araw na paglipad sa Changsha, ang Thai smile ay nagsasagawa rin ng flights sa ibang syudad na Tsino na kinabibilangan ng Macau at Chongqing papuntang Bangkok.
Salin: Jade
Pulido: Mac