Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Hulyo 2016, sa Beijing ang "1 plus 6" Roundtable sa pagitan ng Tsina at 6 na pandaigdig na organong pinansyal. Kalahok dito sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Gobernador Jim Yong Kim ng World Bank, Managing Director Christine Lagarde ng International Monetary Fund, Direktor Heneral Roberto Azevedo ng World Trade Organization, Direktor Heneral Guy Ryder ng International Labour Organization, Pangkalahatang Kalihim Jose Angel Gurria ng Organisation for Economic Co-operation and Development, at Tagapangulo Mark Carney ng Financial Stability Board.
Tinukoy ng mga kalahok, na nitong ilang taong nakalipas, mabagal ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at umiiral ang krisis ng pagbaba ng kabuhayan at mga elemento ng kawalang-katatagan. Kaya anila, mahalaga ang pagpapalakas ng pandaigdig na koordinasyon sa patakarang pangkabuhayan.
Ipinahayag naman ng Premyer Tsino, na sa harap ng kasalukuyang mahirap na kalagayang pangkabuhayan, palalakasin ng Tsina ang mga gawain sa kabuhayan, repormang pang-estruktura, pamumuhunan, pinansyo, kalakalan, hanapbuhay, at iba pa. Dagdag niya, bilang bansang tagapangulo ng G20 sa taong ito, magsisikap ang Tsina, kasama ng naturang mga pandaigdig na organong pinansyal at iba't ibang bansa, para pasulungin ang malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai