|
||||||||
|
||
Idinaos sa Beijing kahapon, Hulyo 4, 2016, ang Mataas na Porum na Pangkabuhayan ng Tsina. Sa panahon ng porum, ipinahayag ng mga kalahok na ekonomista na malaki ang potensyal ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at marami ang magagamit na reserba para sa pag-unlad nito. Sa panahon ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano, walang problema sa pagpapanatili ng mahigit 6.5% na bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino, anila.
Ang kasalukuyang taon ay unang taon ng pagsasagawa ng Tsina ng naturang plano, at ito rin ay masusing panahon para maisakatuparan ang komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan sa nakatakdang panahon. Kaya, matamang sinusubaybayan ng iba't-ibang panig ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Bumaba sa 6.7% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter ng 2016 mula double-digit noong 2010. Sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, ito ang unang pagkakataong bumaba ang kabuhayan sa loob ng mahabang panahon. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Justin Yifu Lin, dating Pangalawang Puno at punong ekonomista ng World Bank (WB), na bukod sa dahilan ng mekanismo at sistema, ang pagbaba ng kabuhayang Tsino ay dulot din ng kapaligirang pandaigdig.
Ngunit, ipinalalagay niya na sa kasalukuyan, iniharap na ng pamahalaang Tsino ang pagpapalawak ng pangangailangang panloob sa angkop na digri. Mula anggulo ng pamumuhunan at konsumo, nagkakaroon ang Tsina ng mga kondisyon at pagkakataon na di-taglay ng ibang bansa. Samantala, marami rin ang magagamit na yamang pampamumuhunan ng Tsina. Kaya, sa panglayuang pananaw, sa panahon ng Ika-13 Panlimahang-Taong Plano, walang problema sa pagpapanatili ng mahigit 6.5% na bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Tsino, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |