Ngayon ay ika-27 ng Mayo 2016, at 100 araw na lamang bago idaos ang G20 Summit sa Hangzhou, Tsina. Sa araw ding ito, nagtitipun-tipon sa Hangzhou ang mahigit 5 libong tauhang maglilingkod sa summit, na kinabibilangan ng mga sundalo, pulis, boluntaryo, tauhang medikal, at security staff. Ipinahayag nila ang determinasyon at kompiyansa na magkaloob ng buong husay na serbisyo sa summit.
Idaraos sa ika-4 at ika-5 ng darating na Setyembre sa Hangzhou ang G20 Summit. Ayon sa iskedyul, matatapos bago ang katapusan ng darating na Hunyo, ang lahat ng mga gawaing paghahanda, na gaya ng pagsasaayos ng kapaligiran, pagtatayo ng mga imprastrukturang pangkomunikasyon, inobasyon sa mga venue, at iba pa.
Salin: Liu Kai