Beijing, Tsina—Ipinahayag Linggo, Hulyo 31, 2016, ni Liu Limin, Pangalawang Ministro ng Edukasyon ng Tsina na noong 2015, lumampas sa 520 libo ang bilang ng mga Tsinong nag-aaral sa ibayong dagat. Mas mataas aniya ito ng halos 14% kumpara noong 2014. Samantala, halos umabot sa 410 libo ang bilang ng mga balikbayang nag-aral sa Tsina noong 2015, at mas mataas ito ng 12% kumpara sa 2014.
Isinapubliko ni Ministro Liu ang nasabing mga bilang sa isang forum ng Western Returned Scholars Association.
Idinagdag din ni Liu na inilabas ng pamahalaan sa iba't ibang antas ang iba't ibang patakarang insentibo para sa mga balikbayang Tsino na nag-aral sa ibayong dagat para mapasulong ang kakayahang inobatibo ng bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio