|
||||||||
|
||
Beijing, kabisera ng Tsina--Idinaos nitong Linggo, Abril 17, 2016, ang symposium hinggil sa pagpapasulong ng pambansang inobasyon sa pamamagitan ng reporma sa higher education.
Limampu't tatlo (53) puno mula sa pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad na nakabase sa Beijing ang inanyayahan ng pamahalan para magkaloob ng kuru-kuro hinggil dito.
Sa kanyang talumpati sa symposium, ipinagdiinan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang kahalagahan ng higher education sa pagpapasulong ng inobasyon sa iba't ibang lebel at paghikayat sa pagsisimula ng negosyo.
Ipinangako niyang ibayo pang paluluwagin ng pamahalaan ang limitasyon sa mga pamantasan para mapatingkad ang kanilang papel sa paghubog ng mas maraming inobatibong talento.
Ipinangako rin niya ang suporta ng pamahalaan sa mga pamantasan para ipagkaloob ang tulong at suporta sa iba't ibang larangan sa mga guro at propesor. Layon aniya nitong hikayatin ang inisyatiba ng mga guro at propesor sa pananaliksik at paghubog sa mga talento.
Premyer Li Keqiang (sentro, likod)ng Tsina habang nagtatalumpati sa symposium sa inobasyong pang-higher-education na nilakuhan ng mga puno ng mahigit 50 kolehiyo at pamantasang nakabase sa Beijing, April 15, 2016. (Xinhua/Pang Xinglei)
Symposium sa inobasyong pang-higher-education na nilakuhan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina at mga puno mula sa mahigit 50 kolehiyo at pamantasang nakabase sa Beijing, April 15, 2016. (Xinhua/Pang Xinglei)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |