Idinaos noong Agosto 1,2016 sa Guiyang, kabisera ng lalagiwang Guizhou, Tsina, ang Ikalawang Kumperensiya ng Mataas na Mekanismo sa Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at Indonesya. Ito'y magkasamang pinanguluhan nina Liu Yandong, Pangalagang Premyer ng Tsina at Puan Maharani, Ministro ng Human Development at Kultura ng Indonesya.
Ipinahayag ni Liu na bilang kauna-unahang mataas na mekanismo sa pagpapalitang pangkultura na itinataguyod ng kataas-taasang lider ng Tsina at Indonesya, nagtatamo ito ng maraming bunga sa walong larangang gaya ng edukasyon, siyensiya at teknolohiya, kultura, kalusugan, palakasan, turismo, kabataan at media. Aniya, kapuwa isinasabalikat ng Tsina at Indonesya ang tungkulin sa pagpapasulong ng lipunan at kabuhayan ng kani-kanilang bansa. Aniya pa, may malaking potensyal ang dalawang bansa sa pagpapasulong ng kasagaaan, at pangangalaga sa katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag nanam ni Puan Maharani ang pagpapahalaga sa nasabing mekanismo. Umaasa aniya siyang lubusang mapapatingkad ang papel ng nasabing mekanismo para palalimin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan, at pasulungin ang relasyong Sino-Indones. Samantala, nakahanda aniyang magsikap ang Indonesya, kasama ng Tsina para ibayong pahigpitin ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN.
Ang nasabing pulong ay bahagi ng idinaraos na Ika-9 na China-ASEAN Education Cooperation Week.