Magkasamang inulit Martes, Agosto 2, 2016, nina Pangulong Barack Obama ng Amerika, at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, ang kanilang pangako sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP).
Upang ipagdiwang ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Amerika at Singapore, dumalaw nang araw ring iyon sa Amerika si Lee at nakipagtagpo kay Obama.
Inulit ni Obama na siya ay matatag na taga-sunod sa TPP. Sinabi niyang sa ilalim ng balangkas ng TPP, dapat kanselahin ng ibang mga bansa ang mga uri ng buwis sa mga paninda ng Amerika. Ito aniya ay isang kasunduang nakakabuti sa Amerika.
Nanawagan si Lee sa iba't ibang mga kasangkot na bansa na gaya ng Amerika na pagtibayin ang TPP sa lalong madaling panahon. Sinabi niyang may mahigpit na ugnayan ang TPP sa pandaigdigang kredibilidad ng Amerika.
Nang araw ring iyon, tinalakay din nila ang bilateral na relasyon at mga kooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi ni Obama na mahalaga ang katayuan at papel ng Singapore sa Asia-Pacific rebalancing strategy ng Amerika.