Sa Vientiane, Laos — Idinaos Huwebes, Agosto 4, 2016, ang Ika-19 na Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan at Kalakalan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, at Timog Korea. Dumalo sa pulong sina Yang Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, mga namamahalang tauhan ng mga departamentong pangkabuhayan at pangkalakalan ng sampung (10) bansang ASEAN, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, at mga kinauukulang opisyal mula sa Timog Korea at Hapon.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Gao na ang nasabing pulong ay idinaos sa pangkalahatang kalagayang dumarami ang di-matatag na elemento sa kasalukuyang kabuhayang pandaigdig, nananatiling matatag sa kabuuan ang kabuhayan ng Silangang Asya, at kinakaharap ng iba't-ibang bansa ang hamon sa komong pag-unlad. Kaya, may espesyal na katuturan ang pulong, aniya pa.
Ipinagdiinan din niya na patuloy at buong tatag na kakatigan ng Tsina ang namumunong katayuan ng ASEAN sa kooperasyong Silangang Asyano. Patuloy ding kakatigan aniya ng Tsina ang pangunahing papel ng 10+3 sa ganitong kooperasyon. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng iba't-ibang panig, para mapasulong ang proseso ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon, at paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng