|
||||||||
|
||
Sa Guiyang, lalawigang Guizhou ng Tsina — Ginanap kamakailan ang "Porum na Pangkooperasyon ng mga Principal ng mga Unibersidad ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)." Ito ang isa sa mga pangunahing aktibidad kaugnay ng ginaganap na "China-ASEAN Education Cooperation Week." Dumalo sa porum ang mga principal mula sa mahigit 110 unibersidad ng Tsina, Thailand, Malaysia, Cambodia, Laos, at iba pa, para magkakasamang talakayin ang tungkol sa pag-unlad ng kooperasyong pang-edukasyon sa pagitan ng dalawang panig.
Porum na Pangkooperasyon ng mga Principal ng mga Unibersidad ng Tsina at ASEAN
Sa porum, nilagdaan ng Guizhou University, Tunku Abdul Rahman University ng Malaysia, Stamford International University ng Thailand, at INTI International University ng Malaysia, ang kasunduang pangkooperasyon. Nilagdaan din ng Hainan Tropical Ocean University ng Tsina at Eastern Asia University ng Thailand, ang ganitong kasunduan.
Porum na Pangkooperasyon ng mga Principal ng mga Unibersidad ng Tsina at ASEAN
Ipinahayag ni Yang Xiuping, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN-China Center (ACC), na ang edukasyon ay pundasyon ng pag-unlad ng kabuhayan, harmonya ng lipunan, at kasaganaan ng kultura. Aniya, ang pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga unibersidad ay nakakatulong sa pagpapasulong ng pag-unlad ng lipunan at kabuhayan, at pagpapalalim ng pagpapalitang pangkultura ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |