|
||||||||
|
||
INULIT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang "shoot-to-kill order" sa kanyang mga pulis laban sa mga taong darakpin at manlalaban.
Sa isang panayam sa Davao City, sinabi ni G. Duterte na walang pananagutan ang mga susunod sa kanyang kautusan sapagkat ito ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga sangkot sa illegal na droga.
Ayon sa mga balitang lumabas mula sa Davao City, hanggang sa ginagawa ng mga alagad ng batas ang kanilang obligasyon, responsibilidad umano niya ang mga magaganap.
Sa oras na may pulis na masangkot sa mga insidente, inutusan na ang mga alagad ng batas na huwag nang magsiyasat sapagkat sa utos niya nagmula ang sinunod ng mga autoridad.
Sa kahilingang liwanagin ang kautusan, inulit ni G. Duterte na ang shoot-to-kill ay nangangahulugang patayin na ang manlalaban sapagkat hindi kailangang magsayang ng bala.
Samantala, sa Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang pahayag ni Pangulong Duterte hinggil sa narco-politicians ay naaayon sa pamamalakad ng pamahalaang panatiliin ang kapayapaan sa bansa.
Nagbigay na umano ang pangulo ng sapat na babala sa pinsalang idinudulot ng droga sa bansa at tutugunan ito ng mga alagad ng batas na barilin ang mga manlalaban at magdudulot ng panganib sa buhay ng mga pulis at iba pang alagad ng batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |