UMAASA si Labor Secretary Silvestre Bello III na makalalaya ang mga detenidong consultant ng National Democratic Front at makadadalo sa pagpupulong ng magkabilang panig sa darating na Sabado, ika-20 ng Agosto.
Sa isang pahayag, sinabi ni Secretary Bello na hihilingin niya sa mga taga-usig ng pamahalaan na mag-file at sumagot sa mga kahiligan at manifestation upang mapabilis ang pagpapalaya sa mga detenidong lider ng partido Komunista matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na ang angkop na paraan upang mapalaya ang mga bilanggo ay nasasaklaw ng Regional Trial Court na siyang may hawak sa mga usapin.
Nakatakdang magsimulang muli ang peace talks sa Oslo, Norway. Ipinagpasalamat din ni Secretary Bello na siyang namumuno sa Government of the Philippines peace panel ang desisyon ng Korte Suprema na kumilala sa pagpapabilis ng paglalaan ng provisional release sa mga consultant ng National Democratic Front.
Hindi naman ibinasura ng Korte Suprema ang motion for intervention ni Solicitor General Jose Calida. Tinanggihan lamang ang motion for intervention ng solicitor general sapagkat ibang hukuman ang may tangan ng mga usapin. Isang isyu din ang technicality.
Nagkasundo ang GPH at NDF na magsimulang muli ang pag-uusap matrapos mahalal si Pangulong Rodrigo Duterte.