Sa pulong kamakalawa ng Peace and Security Council ng Unyong Aprikano (AU), ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na kinakatigan ng UN ang mga gawain ng AU sa paglaban sa terorismo at paglutas sa mga krisis na panrheiyon.
Hinangaan ni Ban ang mga pagsisikap ng AU sa paglaban sa terorismo. Sinabi niyang kasabay ng pagsasagawa ng aksyong militar na nakatuon sa mga organisasyong terotistiko, dapat pasulungin ng mga bansang Aprikano ang pag-unlad ng pambansang kabuhayan at pahalagahan ang edukasyon ng mga kabataan.
Kaugnay ng mga krisis pulitikal na naganap sa Timog Sudan at Burundi, sinabi ni Ban na dapat patingkarin ng AU ang pangunahing papel sa pagpigil ng paglala ng krisis at pagsasakatuparan ng pambansang rekonsilyasyon sa naturang dalawang bansa.