Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag Huwebes, Agosto 11, 2016, ng Tagapagsalita ng Committee for the Peaceful Reunification of Korea (CPRK) na kinokondena ng komunidad ng daigdig ang pagde-deploy ng Timog Korea ng "Terminal High Altitude Area Defense (THAAD)." Aniya, ito ay di-maiiwasang resulta ng pagkahilig ng Timog Korea sa Amerika.
Ipinahayag ng naturang tagapagsalita na tinatangka ng Pamahalaang Timog Koreano na ilipat ang responsibilidad ng pagde-deploy ng "THAAD" sa Hilagang Korea. Ngunit, di-aniya maaring ikubli ang krimen ng pagkahilig sa Amerika at pakikipagtulungan ng Timog Korea sa Amerika, na nakakapagbigay ng grabeng banta sa kapayapaan ng Korean Peninsula at mga rehiyong nakapaligid dito.
Noong Agosto 7, ipinahayag ni Kim Sung-woo, Punong Kalihim ng Impormasyon ng Palasyong Pampanguluhan ng Timog Korea, na ang pagde-deploy ng "THAAD" ay isang "di-maiiwasang" kapasiyahan ng pamahalaan na naglalayong pangalagaan ang buhay at seguridad ng mga mamamayan nito. Aniya, ang pundamental na dahilan ay probokasyong nuklear ng Hilagang Korea.
Salin: Li Feng