Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Serye ng mga natamong bunga, tatalakayin sa G20 Summit sa Hangzhou

(GMT+08:00) 2016-08-02 11:54:46       CRI

Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng Tsina—Idaraos dito ang G20 Summit mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre, 2016. Sapul nang manungkulan bilang tagapangulong bansa ng G20 noong unang araw ng nagdaang Disyembre, inihandog na ng Tsina ang tatlong Sherpa Meeting, tatlong Finance Ministers and Central Bank Governors Meeting, at maraming pulong ng mga ministro sa iba't ibang larangan. Narating ng iba't ibang panig ang isang serye ng mahalagang bunga, at isusumite ang mga ito sa summit para sa pagtalakay.

Ang mga sherpa ay hinirang ng mga lider ng iba't ibang kasaping bansa ng G20, at karamihan sa kanila ay mataas na opisyal na namamahala sa mga suliraning diplomatiko, pangkabuhayan, at pinansiyal. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay pangkalahatang pagpaplano ng mga bunga ng summit sa aspektong pulitikal. Sa kasalukuyan, nagkaroon ng komong palagay sa prinsipyo ang iba't ibang panig tungkol sa pundamental na balangkas at pangunahing elemento ng komunike ng mga lider. Malaliman din silang nagpalitan ng kuru-kuro, at narating ang mga kinauukulang progreso hinggil sa mga nukleong bunga ng summit.

Ang Finance Ministers and Central Bank Governors Meeting ay namamahala sa pagsasanggunian tungkol sa mga konkretong isyung pangkabuhayan at pinansyal. Ang isa sa mga pinakamahalagang bunga ng nasabing pulong ay pagtiyak ng 9 na priyoridad na larangan at 48 simulaing tagapatnubay ng repormang pang-estruktura. Makakabuti ito sa pagsasakatuparan ng malakas, sustenable, at balanseng paglago ng kabuhayan.

Hanggang sa kasalukuyan, 66 na iba't ibang uri ng pulong ng G20 ang idinaos sa 20 lunsod ng Tsina. Kabilang dito, 23 pulong ay sa antas na ministeryal. Ang nasabing mga pulong ay bilang paghahanda para sa gaganaping G20 Summit, sa magkakaibang larangan at anggulo. Pinasulong din ng mga ito ang pagkakaroon ng aksyon sa mga komong palagay ng iba't ibang panig.

Sa kasalukuyan, ang tema at mga pangunahing paksa ng summit na tiniyak ng panig Tsino ay malawakang kinakatigan ng iba't ibang panig. Nabuo sa kabuuan ang balangkas, estruktura, at mga nilalaman ng mga bunga ng summit. Tiyak na rin ang lahat ng iskedyul ng mga pangunahing aktibidad, at maayos ang konstruksyon ng mga pagdarausan ng summit.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>