Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaang Duterte, masigasig sa paglaban sa droga

(GMT+08:00) 2016-08-15 18:30:19       CRI

SINABI ni Presidential Spokesperson Secretary Ernesto Abella na desidido ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsugpo sa illegal na droga. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kanina.

WALANG BALAK ANG PAMAHALAANG MAGDEKLARA NG BATAS MILITAR.  Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Ernesto Abella sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kanina.  Bagaman, niliwanag niyang seryoso ang pamahalaang tapusin ang pagsugpo sa iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.  (Melo M. Acuna)

Maliwanag umano kay Pangulong Duterte ang kanyang trabaho, ang mamagitan sa panguluhan, mga mamamahayag at maging mga mamamayan. Nangako umano ang pangulong magdudulot ng pagbabago sa kalakaran at kinagawian ng mga bansa.

Hinggil sa balitang kumalat sa pagdedeklara ng batas militar sinabi ni G. Abella na walang anumang balak ang pamahalaang gamitin ito kahit pa malawak ang problemang dulot ng illegal drugs.

DADALAWA LAMANG ANG DAHILAN SA PAGDEDEKLARA NG BATAS MILITAR.  Ipinaliwanag ni Atty. Rosario Setias-Reyes, pangulo ng Integrated Bar of the Philippines na mayroong sapat na safeguards ang Saligang Batas ng Pilipinas sa pagdedeklara ng batas militar.  Magaganap lamang ito kung magkakaroon ng pananakop at rebelyon.  Hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Presidential legal Counsel Sal Panelo na maaaring gamitin ang lawak ng problema sa droga upang magdeklara ng martial law.  (Melo M. Acuna)

Para kay Atty. Rosario Setias-Reyes, pangulo ng Integrated Bar of the Philippines, walang dahilan upang magdeklara ng batas militar ang pamahalaan ngayon. Maliwanag sa isinasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas na ipinasa noong 1987 na maaari lamang magdeklara ng batas militar kung mayroong pananakop ng ibang bansa sa alinmang bahagi ng kapuluan. Wala ring nagaganap na rebelyon sa bansa, dagdag pa ni Atty. Setias-Reyes.

Hindi umano siya sang-ayon sa naunang pahayag ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa lawak na epekto ng droga sa bansa, posibleng mag-deklara na ng martial law si Pangulong Duterte.

NEVER AGAIN.  Ito ang sinabi ni Atty. Charito L. Planas sa tanong kung kailangang magdeklara ng batas militar.  Ipinaliwanag niyang nakakaawa ang madadamay sa mga pagdakip na magaganap sa oras na suspendihin ang mga probisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas.  Biktima ng batas militar si Atty. Planas noong dekada sitenta.  (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag naman ni Atty. Charito L. Planas na hindi siya makapapayag na magdeklara ng batas militar si Pangulong Duterte sapagkat sa ilalim ng batas militar ay maaaring madakip ang sinuman sapagkat suspendido ang mga probisyon ng Saligang Batas. Nangangamba siyang madawit ang mga mamamayang wala namang kinalaman sa ilegal na droga.

Kapatan ng pamahalaang ipagtanggol ang sarili, ito naman ang sinabi ni Atty. Setias-Reyes. Kahit pa mayroong batas militar, ayon sa 1987 Constitution, hindi basta masususpinde ang habeas corpus kung hindi hihilingin ng pangulong suspendihin ito, mayroon pa ring civilian supremacy over the military, makakikilos pa rin ang mga hukuman sa bansa.

Binigyang-diin ni Atty. Setias-Reyes na sapat ang safeguards sa pagpapatupad ng batas militar. Kahit sinong mamamayan ay may pagkakataong dumulog sa hukuman upang ipagtanong ang dahilan ng pagdedeklara ng batas militar.

Kailangang pagbalik-aralan ng kongreso ang dahilan ng pagdedeklara ng batas militar lalo't hihigit sa 60 araw.

WALANG EPEKTO SA BUSINESS CLIMATE ANG KAMPANYA LABAN SA DROGA.  Para kay G. Sergio Ortiz Luis ng Phil. Chamber of Commerce and Industry, walang masamang epekto sa kalakal ang ginagawang paglilinis sa bansa ng mga autoridad.  Bagaman, naniniwala siyang makabubuting imbestigahan ang sinasabing extrajudicial killings.  (Melo M. Acuna)

Ayon kay G. Sergio Ortiz Luis, ang honorary chairman at ingat-yaman ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, kailangang ituloy na ang kampanya laban sa droga sapagkat nakababawas ito sa mga krimeng naibabalita noong mga nakalipas na panahon.

Magiging maganda ang pagpasok ng kalakal sa bansa, dagdag ni G. Ortiz Luis kung higit na gaganda ang kaayusan sa mga susunod na araw. Nagkataon nga lamang na ang katapat ng Pilipinas sa pangangampanya sa foreign direct investments ay ang mga bansang Myanmar at Cambodia.

Sinabi rin ni G. Ortiz Luis na marapat lamang imbestigahan ang mga sinasabing extrajudicial killings. Naniniwala siyang hindi nakaapekto ang mga pangyayari laban sa mga sindikato ng droga sa business climate sa Pilipinas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>