Ayon sa datos na isinapubliko Miyerkules, Agosto 17, 2016, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon, lumaki ng 61.8% ang direktang pamumuhunan ng mga mamumuhunang Tsino sa larangang di-pinansiyal ng ibang bansa kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Umakyat sa mahigit 75 bilyong dolyares ang pamumuhunan ng Chinese mainland sa pitong (7) pangunahing ekonomya sa daigdig na gaya ng Hong Kong China, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Unyong Europeo (EU), Australia, Amerika, Rusya, at Hapon. Ito ay katumbas ng halos 73.1% ng kabuuang halaga ng direktang pamumuhunan sa ibang bansa sa panahong iyon.
Sinabi ni Tagapagsalita Shen Danyang ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sapul nang magsimula ang taong ito, palagiang nananatiling mabilis ang paglaki ng direktang pamumuhunan ng Tsina sa ibang bansa. Nalampasan na ng halaga ng pamumuhunan sa labas ang halaga ng nagamit na pondong dayuhan, aniya pa.
Salin: Li Feng