"Ikinalulungkot ng pamahalaang sentral ang naganap na marahas na pangyayari sa Mongkok, Hongkong. May kakayahan ang pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hongkong (HKSAR) upang maayos na malutas ang mga ito, alinsunod sa batas, at parusahan ang mga may-kakagawan." Ito ang ipinahayag kahapon sa isa ng pagtitipon ni Zhang Xiaoming, Direktor ng Liaison Office ng Pamahalaang Sentral ng Tsina sa HKSAR.
Ipinahayag ni Zhang na kinokondena ng pamahalaang sentral ang mga organisadong marahas na krimeng kinabibilangan ng pagsunog, pag-atake sa mga inosenteng sibilyan, pagsira sa mga kasangkapang pampubliko, at iba pa.
Kinumusta rin ni Zhang ang mga nasugatang kawani ng HKSAR, na kinabibilangan ng mga pulis at mamamahayag.
Ani Zhang, hinding hindi matatanggap ng pamahalaang sentral ang pagtatangkang iligaw ang opinyong pampubliko. Ito aniya ay makakasama sa pangmatagalang katatagan ng HKSAR.