Sinimulang suriin ngayong araw ang plano ng paghalal ng Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) (o tinatawag na "Plano ng Reporma sa Pulitika") na isinumite ng Pamahalaan ng HKSAR sa Konsehong Lehislatibo. Pumunta nang araw ring iyon ang maraming residente ng Hong Kong sa gusali ng Konsehong Lehislatibo bilang pagkatig sa pagpapatibay ng nasabing plano.
Pumunta din ang mga personaheng tumututol sa planong ito para ipakita ang kanilang apela.
Upang maiwasan ang anumang karahasan sa pook pinangyarihan ng rali, isinagawa ng panig pulisya ng Hong Kong ang mga hakbangin.
Salin: Li Feng