Si Xu Ningning, Puno ng Konsehong Pangnegosyo ng Tsina at ASEAN
Idinaos noong Agosto 18, 2016 sa Beijing ang preskon bilang pagdiriwang sa Ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Dialogue Partnership ng Tsina at ASEAN. Pinanguluhan ang pulong ni Xu Ningning, Puno ng Konsehong Pangnegosyo ng Tsina at ASEAN.
Inilahad ni Xu na sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing partnership sa taong 2016, dadalo ang mga lider ng Tsina at ASEAN sa pagtitipon ng paggunita na nakatakdang idaos sa Tsina, sa darating na Setyembre. Aniya, isasapubliko ng dalawang panig ang mga may-kinalamang dokumentong kinabibilangan ng "Summit Joint Statement ng Tsina at ASEAN," at "Magkasanib na Pahayag sa Pagtutulungan hinggil sa Produktibong Kakayahan ng Tsina at ASEAN." Aniya, ito ay hindi lamang makakatulong sa pagpapasulong ng "Belt at Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina, kundi maging isang mahalagang pangyayari sa pagtutulungang panrehiyon sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa nito.