Idinaos kahapon, Biyernes, ika-19 ng Agosto 2016, sa Beijing, ang ika-8 diyalogong pinansyal ng Tsina at Indya.
Sa magkasanib na pahayag na ipinlabas pagkaraan ng diyalogo, sinabi ng dalawang bansa, na walang humpay na palalawakin at palalalimin ang kanilang kooperasyong ekonomiko at pinansyal.
Ipinalalagay ng Tsina at Indya, na bilang mga pangunahing bagong-sibol na ekonomiya sa daigdig, dapat palakasin ng dalawang bansa ang koordinasyon sa patakaran ng makro-ekonomiya, at isagawa ang mga proaktibong hakbangin para pasulungin ang paglaki ng sariling kabuhayan.
Binigyang-diin din ng dalawang bansa ang kahalagahan ng pagpapalakas ng iba't ibang bansa ng daigdig ng kooperasyon sa ilalim ng mga multilateral na balangkas, na gaya ng G20, mekanismo ng BRICS Countries, at mga pandaigdig na organong pinansyal.
Salin: Liu Kai