Ipinahayag ngayong araw, Sabado, ika-21 ng Mayo 2016, ng State Council Taiwan Affairs Office ng Tsina, na ang 1992 Consensus hinggil sa prinsipyong "isang Tsina," ay komong pundasyong pulitikal ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Anito, kapag kumpirmahin ang paggiit sa 1992 Consensus, saka lamang ipagpapatuloy ang pakikipag-ugnay nito sa Mainland Affairs Council ng Chinese Taiwan.
Nang araw ring iyon, ipinahayag naman ng Association for Relations Across the Taiwan Straits ng mainland, na ang paggiit sa 1992 Consensus ay paunang kondisyon din ng patuloy nitong pakikipag-ugnay sa counterpart nito sa Taiwan na Straits Exchange Foundation.
Salin: Liu Kai