Ipinalabas Linggo, Agosto 21, 2016, ng Kapulisan ng Thailand ang kautusan na nagbabawal sa paglalaro ng mobile game na Pokemon Go sa sampung pangunahing lansangan para mabawasan ang aksidente.
Ayon din sa Kapulisan ng Thailand, magpapatrolya sila sa nasabing mga lansangan at kung lalabag sa kautusan ang mga motorista at pedestrian, paparusahan sila.
Sapul nang ilunsad ang Pokemon Go sa Thailand noong Agosto 6, naging popular na popular ito sa mga mamamayang Thai, nilalaro kahit nagmamaneho o tumatawid sa kalye. Bunsod dito, tumaas ang bilang ng aksidente at mahigit 243 motorista ang nadakip.
Salin: Jade
Pulido: Mac