Ipinahayag noong Agosto 22, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mabunga ang katatapos na pagdalaw sa Tsina ni Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar.
Sinabi ni Lu na nagpalitan ng kuru-kuro ang mga lider ng Tsina at Myanmar hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan, na gaya ng pagpapahigpit ng mataas na pagpapalitan at pagpapalakas ng pagtitiwalaang pampulitika; pagpapasulong ng pag-uugnay sa kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran; at pagpapalakas ng pagtutulungan para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapasulong ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.