|
||||||||
|
||
Noong Agosto 24, 2016, sa pahayagang Jakarta Post, inilathala ang artikulo ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesya.
Sinabi ng Embahador Tsino na pinapahigpit ng Tsina at Indonesya ang pagpapalitan at koordinasyon, batay sa balangkas ng G20. Nananalig aniya siyang ang pagdalo ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesya sa G20 Summit na nakatakdang idaos sa Hangzhou, Tsina ay makakatulong hindi lamang sa pagtatagumpay ng pagtitipon, kundi maging sa ibayong pagpapasulong ng relasyong Sino-Indones.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |