Sa Hangzhou Low Carbon Science & Technology Museum — Pinasinayaan Lunes ng umaga, Agosto 22, 2016, ang seremonya ng pagsisimula ng carbon neutral project sa gaganaping Hangzhou G20 Summit. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at paglikha ng kagubatan, mababawasan ang carbon dioxide na likha ng komunikasyon, catering, at accommodation sa panahon ng naturang summit para maisakatuparan ang zero discharge target. Bunga ng pagsasagawa ng nasabing proyekto, ang Hangzhou Summit ay magiging unang G20 Summit na "carbon neutral."
Kaugnay nito, ipinahayag ni Gao Feng, espesyal na kinatawan ng Ministring Panlabas ng Tsina sa talastasan tungkol sa pagbabago ng klima, na ang kapasiyahan ng Pamahalaang Tsino na bawasan ang ibinugang karbon sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at paglikha ng kagubatan, ay pragmatikong aksyon para siyentipikong harapin ang pagbabago ng klima. Ito aniya ay nagpadala ng positibong signal sa daigdig na magiging isang low-carbon environmental summit ang gaganaping Hangzhou Summit.
Salin: Li Feng