Noong Agosto 25, 2016, idinaos sa Beijing ang resepsyon para gunitain ang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyalogong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations(ASEAN). Dumalo sa pagtitipon si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Bago ang naturang pagtitipon, sa kanyang pakikipag-usap sa mga diplomata ng ASEAN sa Tsina, ipinahayag ni Yang na nitong 25 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, mabilisang umuunlad ang pagtutulungan ng dalawang panig, at gumagawa ito ng mahalagang ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng ASEAN, para matagumpay na idaos ang summit ng paggunita sa pagkakatatag ng diyalogong partnership ng dalawang panig, sa susunod na Setyembre. Ito aniya'y magdudulot ng bagong kasiglahan para sa ibayong pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ng mga diplomata ng ASEAN na bilang pinakamasigla at matalik na partner ng ASEAN, nakahanda itong pahigpitin ang pakikipagtulungan sa Tsina, para ibayo pang palakasin ang komprehensibong kooperasyon sa hinaharap.