Noong Agosto 25, 2016, sa Beijing, sa isang preskong magkasamang dinaluhan nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Ditmir Bushati ng Albania, ipinahayag ni Wang na sa darating na Setyembre, magiging abalang-abala ang Tsina sa multilateral na pagpapalitang panlabas dahil sa G20 Summit. Aniya, bilang punong-abala ng Hangzhou G20 Summit, lalahok ang Tsina sa ilang regional at global multilateral activities. Umaasa aniya siyang patitingkarin ng Tsina ang konstruktibong papel sa naturang mga pagtitipon, at gagawa ito ng sariling ambag para ibayong palalimin ang pagtutulungang panrehiyon, at pasulungin ang pangangasiwang pandaigdig.
Ipinahayag ni Wang na ang G20 Summit ay hindi lamang pinakamahalagang aksyong diplomatiko ng Tsina sa kasalukuyang taon, kundi maging plataporma ng komunidad ng daigdig sa pagpapasulong ng pangangasiwang pandaigdig. Aniya, bilang host ng G20, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng ibat-ibang panig, para maalwang isulong ang preparasyon ng G20.