NAGING makabuluhan ang pag-uusap ng mga kinatawan ng Pamahalaan ng Pilipinas at National Democratic Front.
Ayon sa pahayag ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, nakamtan ng magkabilang-panig ang higit sa kanilang inaasahan. Walang anumang mainitang sagutang naganap sa pag-uusap. Isang hapunan ang idinaos kagabi upang tapusin na ang pagpapalitan ng pananaw at mga dokumento sa negosasyon.
Kahit ang Royal Norwegian Government ay natuwa sa kinahantungan ng pag-uusap. Natampok sa kasunduan ang deklarasyon ng tigil-putukan at ang pag-uusap upang magkaroon ng negotiated political settlement.
Ani Secretary Dureza, kapwa kinakitaan ng katapatan sina Pangulong Rodrigo Duterte ay mga kinatawan ng National Democratic Front.
Nagpasalamat din si Labor Secretary Silvestre Bello III ng negotiating team ng pamahalaan sa mga kumatawan sa National Democratic Front sa pakikiisa upang matapos na ang halos kalahating daang taong sagupaan.