Noong Agosto 27, 2016, sinimulan ang pagpapatakbo ng unang yugto ng proyekto ng semento na pinamuhunanan ng China State Development at Investment Corp, sa lalawigang West Papua, Indonesya.
Bilang proyekto sa ilalim ng "Belt at Road Initiative" sa Indonesya, ito ay hindi lamang makakatulong sa pagpapabilis ng kaunlarang pangkabuhayan sa lokalidad, kundi makakatugon din sa pangangailangan ng semento sa naturang lalawigan at mga kapitbansa't rehiyon ng Indonesya, na kinabibilangan ng Papua New Guinea.